create account

Netoy by johnpd

View this thread on: hive.blogpeakd.comecency.com
· @johnpd · (edited)
$0.20
Netoy

https://cdn.steemitimages.com/DQmTNhUWFW2kuwnRriYABC31BSGttPxuh3eaTgGKinWmmev/images.jpeg
[imahe mula sa](https://encrypted-tbn2.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRZ4jcTk4HzBlQj0Aihk9DRZSEVPO8JK2qE8ZViaWh2Gp6u6K94YigNGJEiAw)

*"Basta 'wag kayong maingay kay inay, huh?! Kung hindi, malilintikan na naman ako d'on."*, kabilin-bilinan ni Manuel sa kanyang iilang pinagkakatiwalaang kaibigan.

*"Oo na! Hindi ka namin ilalaglag kay Aling Ester. Alam naman namin na pare-parehas tayong madadamay kapag may nag-ingay sa isa sa amin."*, sabat ni Fred sa kaibigan.

*"Si Santos lang naman ang madudulas sa atin eh!"*, pang-aalaska ni John sa isa pa nilang kaibigan.

*"Para siguradong walang mahuhuli, hindi ko na lang sasagutin si Aling Ester kapag nagtanong."*, ang matalinong solusyon ni Santos, ang tarantahin sa kanilang lahat.

*"Usapang masinsinan 'yan ah. May tiwala ako sa inyo."*, huling paalala ni Manuel bago sila maghiwa-hiwalay.

Ilang linggo na rin simula nang iuwi ni Manuel sa bahay nila ang **bagong alaga**. Kakabog-kabog pa rin ang kanyang dibdib sa tuwing magigisnan niyang nakabangon ang ina at nagmamasid-masid. Pinapakiramdaman niya kung nakakahalata na ba ito. Hinala niya na may napupuna nang bahagya ang ina... at hinihintay lamang na siya ang magbukas ng usapan.

Bumalik na naman sa kanyang gunita kung paano napasakamay ang **bagong alaga**. Magkakasama silang magkakaibigan na napadpad sa El Dorado. Sa lugar na kung saan hindi sila dapat nakikihalubilo. Sa isang lugar na tinatawag ng mga matatanda na **paliparan**. Doon sila namalagi, nagpalipas ng oras, nag-abang, nagtangka at nagsamantala ng oportunidad.

Sakto sa oras na kinalkula nila, nagsilabasan na ang mga magtatanghal. Isang grupo ang unang lumabas. Halos lahat ay mapuputi. Wala kang maitulak-kabigin. Wala kang maipipintas sa ganda ng hubog at pigura ng mga unang nagtanghal. Naglulusugan na mga dibdib, kay ririkit na mga kulay, magagandang tubo ng p@kp@k. Oo, iyon ang pinakamagandang katangian na hinahanap nila.

Galak na galak sila sa napanood. Magkakasunod na palakpak ang maririnig sa siyang sumasabay sa mga nagtatanghal. May ilan na iniiba ang ritmo at lakas ng palakpak upang mangibabaw at sumalungat sa umpukan.

Natapos ang unang pagtatanghal. Pero hindi pa tapos ang palabas. Muli ay umikot sila at nagpakitang gilas. Kanya-kanyang pabida ng talento. Kanya-kanyang pamalas ng magandang tubo na p@kp@k.

Nagtangka si Manuel. Iniba rin ang palakpak. Nilakasan at diniinan. Nanibago ang mga nagtatanghal sa narinig na kakaibang palakpak. Marubdob na pinamilog ni Manuel ang mga palad upang maging buo at mas matunog ang malilikhang palakpak. May nadali sa kanyang pagpapansin. May isang naglakas-loob na lumapit. Isa sa mga nagtatanghal ang dahan-dahang dumayo sa pwesto ni Manuel.

*"Jackpot! May nadali tayong isa!"*, may halong tuwa at kaba na nausal ni Santos.

*"Teka, 'wag mo munang salubungin. Baka mabati. Sayang!"*, pagpipigil ni Fred sa kasama.

Sa dinami-dami ng nagtatanghal, iyong hindi pa kagandahan ang lumapit. Napakarami na mayayabong ang dibdib, puting-puti at maganda ang tubo ng p@kp@k. Pero iyong hindi kagandahan pa ang lumapit kay Manuel.

*"Akala ko pa naman naka-jackpot na tayo..."*, panghihinayang ni John.

*"Hayaan n'yo na. Ang mahalaga ay may lumapit."*, maluwag na pagtanggap ni Manuel sa sitwasyon.

*"Eh kung gusto mo, sa 'yo na lang 'yan! Ayaw namin ng panget!"*, panlalait ng kaibigang si Fred.

Hinawakan ni Manuel ang ulo ng **panget na nagtanghal**. Hinimas-himas muna ang ulo nito para tuluyang umamo. Para tuluyang lumapit ang loob sa kanya. Ayaw din naman niya na tanggihan siya ng lumapit. Sa pagkakataong iyon, chu-choosy pa ba siya at magpapakipot? Manok na ang kusang tumuka sa palay. Palalampasin pa ba niya ang pagkakataon.

*"A-Ako nga p-pala si Manuel, a-ako na ang mag-aalaga sa 'yo s-simula ngayon"*. kinakabahang panimula niya. *"'Yung mga kaibigan ko, 'wag mo intindihin 'yun. Matatanggap ka rin nila kapag tumagal."*

Nakatutok lang ang mata ng kausap sa kanya. Wari ba'y hindi nito maintindihan ang sinasabi ni Manuel pero malinaw naman itong nadinig.

Naging mapangahas si Manuel. Bigla niyang dinakma ang dibdib ng kaharap. Pumalag ang kaharap. Pero hindi naman ito lumayo. Naasiwa lang marahil sa mabilis na pag-usad ng kamay ng lalake.

Muli ay hinimas ni Manuel ang ulo niya. *"Tara! Iuuwi na kita. Simula ngayon ay sa amin ka na titira."* Sa mga katagang ito ay naging panatag ang loob niya. Dahil alam niya sa sarili na panget siya at bihira ang tatanggap sa kanya pero ngayon ay napagtiyagaan siyang kupkupin ng isang estranghero. At naglakas-loob pa na iuwi siya sa bahay nito.

Matiwasay na lumipas ang ilang linggo at ramdam niya ang pag-aalaga sa kanya ng **kumupkop**. Maayos ang kalagayan niya at naibibigay lahat ng gusto. Itinuring siyang prinsesa kahit na hindi ito mababakas sa panget niyang hitsura.

*"Manueeeeeel!"*, ginising siya ng nagngangalit na boses ng kanyang ina.

Bagamat hindi pa gaanong sumisikat ang haring araw ay nagpupuyos na sa init ang ulo ng kanyang ina. Sumilip saglit sa kanilang likod-bahay. Inusisa ang isang kwarto na palaging nakakandado. Laking gulat ng ina nang tumambad sa harapan nito ang pinakatago-tagong sikreto.

*"Anak, hindi naman ako nagkulang ng paalala sa 'yo. Bakit? Bakeeeet?! Bakit nagawa mong ilihim sa akin ang bagay na ito?"*

*"Alam ko po na hindi ninyo agad siya matatanggap inay. Alam ko po na palalayasin ninyo siya."*

*"Anak, mahirap lang tayo. Nagawa mo pang kumupkop. Saan tayo kukuha ng pantustos sa ipalalamon ko diyan sa kinupkop mo?"*

*"Dahan-dahan kayo sa pananalita inay. Hindi ninyo alam kung anong kaligayahan ang naibibigay ni Magdalena sa akin."*

*"Magdalena?"*, pang-uuyam ng ina. *"Iyan ba talaga ang pangalan niya o ikaw lang ang nagbansag niyan sa kanya?"*. May kumirot sa parteng iyon ng kanyang dibdib dahil sa kataga ng ina. *"Ayokong makikita 'yang Magdalena mo sa pamamhay na ito!"*, gigil na utos ng ina.

*"Inay, parang awa n'yo na po. Napalapit na sa akin si Magdalena. Ayoko na mawalay pa siya sa akin."*

*"Hindi mo pa rin ba naiintindihan, anak? Iiwan ka din ng Magdalena mo pagdating ng araw."*

*"Inay, 'wag po kayong magsalita ng ganyan!"*

*"Totoo naman eh! Alam ko kung anong uri 'yang Magdalena mo. Maniwala ka sa akin, anak. Iiwanan ka din niya!"*

*"Tumigil na kayo inay!"*

Tinangay ni Manuel si Magdalena. Pabalibag na isinara ang pintuan at iniwang nakatayo ang ina sa loob. Ayaw na niyang marinig ang sasabihin pa ng ina. Hindi niya alam kung ano talaga ang ayaw niyang marinig-- ang hindi pagtanggap ng kanyang ina o ang masakit na katotohanang iiwan nga siya sa bandang huli.

Pinalipas niya ang tatlong araw na hindi kinikibo ang ina. Namalagi siya sa nag-iisang kwarto sa likod-bahay nila kasama si Magdalena. Ibinuhos niya ang natitirang mga araw sa pag-aasikaso sa pangangailangan ni Magdalena.

Hindi man kalusugan ang dibdib ni Magdalena ay madalas na niya iyong mahawakan. Hindi na nangingilag ang alaga. Hindi na umiiwas, hindi na pumapalag. Kahit pa himasin at basain ng laway ng amo ang kanyang hindi pantay na tubo ng p@kp@k ay hindi na rin siya napapapitlag. Tanggap na niya na kasama iyon sa kagustuhan ng amo niya. Na iyon ang isa sa mga bagay na nagpapaligaya sa amo niya-- ang makita siyang napapaamo nito.

Muling sumagi sa isip ni Manuel ang pagbabanta ng ina. **Iiwan ka din niya!** Paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang ulirat ang mga salita ng ina.

Umakyat siya sa bubong ng kanilang bahay. Kasama niya si Magdalena. Gusto niyang subukan kung gaano katotoo ang sinabi ng ina. Gusto niyang patunayan na tama siya at mali ang ina. Gusto niyang panindigan na hindi siya iiwan ni Magdalena.

Hinawakan niya si Magdalena sa magkabilang p@kp@k. Hinalikan muna sa ulo. Ikiniskis ang kanyang pisngi sa ulo ni Magdalena na parang sinasabi na "Babalik ka huh?!". Tumingala siya sa langit. Inaaninag kung saan maaaring pumailanlang ang paliliparin.

Bumwelo siya. Imunuwestra na para bang ihahagis ang hawak. Pero tinatantiya pa lamang niya kung saan aabot. Heto na! Buo na ang loob niya. Paliliparin na niya. Muli ay bumwelo siya. At sa isang mabilis at ubos lakas na hagis palobo ay pinaghiwalay niya ang mga palad.

Lumipad si Magdalena. Kulang-kulang man ang pakpak ay naikakampay naman iyon nang maayos. Sumabay sa hangin ang bagwis na matagal-tagal ding hindi nakakatikim ng paglaya. Napangiti si Manuel sa bilis ng pag-angat ng alaga. Wari ba'y sinasabi niya na **Ako ang nagpalaki sa 'yo!**.

Nagtanghal din si Magdalena katulad ng nasaksihan niya noong una silang magkita. Isang ikot na parang humihiwa sa hangin ang mga pakpak. Organisado at may sinusundang pattern ang paglipad nito. Nag-iisa lamang siya sa himpapawid subalit pino at de-numero ang paggalaw nito na animo'y may kasabayang lumilipad.

Sa 'di kalayuan ay may biglang madidinig na palakpak. Buo at malakas ang tunog ng mga palakpak. Tatlo o apat pang ulit at naagaw na ang atensyon ni Magdalena. Nag-iba ang ritmo ng paglipad. Nagbago ang ruta. Nilapitan ang pinagmulan ng palakpak. Nawala siya sa paningin ni Manuel.

Nanatiling nakatayo sa bubungan si Manuel. Naghagis ng patuka. Inakala na babalik ang alaga. Inakala na masusuhulan ito ng pagkain. Sinubukan muli. Mas marami ang inihagis na patuka. Walang bakas ng kalapati ang madidinig.

*"Kruuu! K-kruuuu!"*, pagtawag ni Manuel. Inulit pa niya ng sampung beses subalit walang Magdalena na bumalik.

*"Taragis na netoy 'yan!"*, ang huli niyang nasambit. At dali-dali siyang bumaba ng bubong. Sabay tadyak sa hangin na para bang may inaasinta siyang tamaan. *"Tama nga si inay. Kung kani-kanino sumasama ang mga netoy! Huhuhu!"*
๐Ÿ‘  , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,
properties (23)
authorjohnpd
permlinknetoy
categoryphilippines
json_metadata{"tags":["philippines","pilipinas","steemph","esteem","tagalogtrail"],"app":"steemit/0.1","format":"markdown","image":["https://cdn.steemitimages.com/DQmTNhUWFW2kuwnRriYABC31BSGttPxuh3eaTgGKinWmmev/images.jpeg"],"links":["https://encrypted-tbn2.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRZ4jcTk4HzBlQj0Aihk9DRZSEVPO8JK2qE8ZViaWh2Gp6u6K94YigNGJEiAw"]}
created2019-01-11 15:38:15
last_update2019-01-11 15:42:39
depth0
children7
last_payout2019-01-18 15:38:15
cashout_time1969-12-31 23:59:59
total_payout_value0.169 HBD
curator_payout_value0.033 HBD
pending_payout_value0.000 HBD
promoted0.000 HBD
body_length9,667
author_reputation427,236,250,187
root_titleNetoy
beneficiaries[]
max_accepted_payout1,000,000.000 HBD
percent_hbd10,000
post_id78,234,640
net_rshares437,074,624,000
author_curate_reward""
vote details (60)
@c-squared ·
c-squared-comment

https://cdn.steemitimages.com/DQmaSUWYsJ3AMUEMRqCSaoKJVNvtsbKm4fNAtmTidr8Uggc/C%20Squared%20Logo%20Transparency%20200px.png

Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
@c-squared runs a community witness. Please consider using one of your witness votes on us here
properties (22)
authorc-squared
permlink20190113t024837225z
categoryphilippines
json_metadata{"tags":["c-squared"]}
created2019-01-13 02:49:03
last_update2019-01-13 02:49:03
depth1
children0
last_payout2019-01-20 02:49:03
cashout_time1969-12-31 23:59:59
total_payout_value0.000 HBD
curator_payout_value0.000 HBD
pending_payout_value0.000 HBD
promoted0.000 HBD
body_length932
author_reputation8,872,520,093,091
root_titleNetoy
beneficiaries[]
max_accepted_payout1,000,000.000 HBD
percent_hbd10,000
post_id78,300,045
net_rshares0
@myach ·
Congratulation @johnpd! Your post has been recently featured on [Myach's Daily Pick Edition](https://steemit.com/steempress/@myach/myachsdailypickedition21-connecteconomyzamifaratanlikmingjohnpd-x9nfmg3h3c)!

Have a nice day and STEEM to the moon!
https://media.giphy.com/media/fxsqOYnIMEefC/giphy.gif
properties (22)
authormyach
permlinkre-johnpd-netoy-20190112t082147639z
categoryphilippines
json_metadata{"tags":["philippines"],"users":["johnpd"],"image":["https://media.giphy.com/media/fxsqOYnIMEefC/giphy.gif"],"links":["https://steemit.com/steempress/@myach/myachsdailypickedition21-connecteconomyzamifaratanlikmingjohnpd-x9nfmg3h3c"],"app":"steemit/0.1"}
created2019-01-12 08:21:48
last_update2019-01-12 08:21:48
depth1
children0
last_payout2019-01-19 08:21:48
cashout_time1969-12-31 23:59:59
total_payout_value0.000 HBD
curator_payout_value0.000 HBD
pending_payout_value0.000 HBD
promoted0.000 HBD
body_length301
author_reputation168,563,197,458,427
root_titleNetoy
beneficiaries[]
max_accepted_payout1,000,000.000 HBD
percent_hbd10,000
post_id78,265,549
net_rshares0
@partiko ·
Hello @johnpd! This is a friendly reminder that you have 3000 Partiko Points unclaimed in your Partiko account!

Partiko is a fast and beautiful mobile app for Steem, and itโ€™s the most popular Steem mobile app out there! Download Partiko using the link below and login using SteemConnect to claim your 3000 Partiko points! You can easily convert them into Steem token!

https://partiko.app/referral/partiko

![](https://d1vof77qrk4l5q.cloudfront.net/statics/partiko-poster-best-steem-app-for-your-phone.jpg)
properties (22)
authorpartiko
permlinkpartiko-re-johnpd-netoy-20190226t105148200z
categoryphilippines
json_metadata{"app":"partiko"}
created2019-02-26 10:51:48
last_update2019-02-26 10:51:48
depth1
children0
last_payout2019-03-05 10:51:48
cashout_time1969-12-31 23:59:59
total_payout_value0.000 HBD
curator_payout_value0.000 HBD
pending_payout_value0.000 HBD
promoted0.000 HBD
body_length507
author_reputation39,207,160,334,751
root_titleNetoy
beneficiaries[]
max_accepted_payout1,000,000.000 HBD
percent_hbd10,000
post_id80,429,655
net_rshares0
@romeskie ·
Napakahusay talaga nitong nilalang na to magpatawa! Hahaha

Namiss ko ang pagsusulat mo @johnpd. Maligayang pagbabalik!
properties (22)
authorromeskie
permlinkre-johnpd-netoy-20190112t110718088z
categoryphilippines
json_metadata{"tags":["philippines"],"users":["johnpd"],"app":"steemit/0.1"}
created2019-01-12 11:07:21
last_update2019-01-12 11:07:21
depth1
children0
last_payout2019-01-19 11:07:21
cashout_time1969-12-31 23:59:59
total_payout_value0.000 HBD
curator_payout_value0.000 HBD
pending_payout_value0.000 HBD
promoted0.000 HBD
body_length119
author_reputation233,690,663,650,518
root_titleNetoy
beneficiaries[]
max_accepted_payout1,000,000.000 HBD
percent_hbd10,000
post_id78,270,426
net_rshares0
@steemitboard ·
Congratulations @johnpd! You received a personal award!

https://steemitimages.com/70x70/http://steemitboard.com/@johnpd/birthday1.png

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 1 year!

_[Click here to view your Board](https://steemitboard.com/@johnpd)_

**Do not miss the last post from @steemitboard:**

Carnival Challenge - Collect badge and win 5 STEEM

> You can upvote this notification to help all Steem users. Learn how [here](https://steemit.com/steemitboard/@steemitboard/http-i-cubeupload-com-7ciqeo-png)!
properties (22)
authorsteemitboard
permlinksteemitboard-notify-johnpd-20190228t172345000z
categoryphilippines
json_metadata{"image":["https://steemitboard.com/img/notify.png"]}
created2019-02-28 17:23:45
last_update2019-02-28 17:23:45
depth1
children0
last_payout2019-03-07 17:23:45
cashout_time1969-12-31 23:59:59
total_payout_value0.000 HBD
curator_payout_value0.000 HBD
pending_payout_value0.000 HBD
promoted0.000 HBD
body_length843
author_reputation38,975,615,169,260
root_titleNetoy
beneficiaries[]
max_accepted_payout1,000,000.000 HBD
percent_hbd10,000
post_id80,544,936
net_rshares0
@steemitboard ·
Congratulations @johnpd! You received a personal award!

https://steemitimages.com/70x70/http://steemitboard.com/@johnpd/birthday2.png

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 2 years!

_You can view [your badges on your Steem Board](https://steemitboard.com/@johnpd) and compare to others on the [Steem Ranking](https://steemitboard.com/ranking/index.php?name=johnpd)_

> You can upvote this notification to help all Steem users. Learn how [here](https://steemit.com/steemitboard/@steemitboard/http-i-cubeupload-com-7ciqeo-png)!
properties (22)
authorsteemitboard
permlinksteemitboard-notify-johnpd-20200228t153739000z
categoryphilippines
json_metadata{"image":["https://steemitboard.com/img/notify.png"]}
created2020-02-28 15:37:39
last_update2020-02-28 15:37:39
depth1
children0
last_payout2020-03-06 15:37:39
cashout_time1969-12-31 23:59:59
total_payout_value0.000 HBD
curator_payout_value0.000 HBD
pending_payout_value0.000 HBD
promoted0.000 HBD
body_length595
author_reputation38,975,615,169,260
root_titleNetoy
beneficiaries[]
max_accepted_payout1,000,000.000 HBD
percent_hbd10,000
post_id95,911,838
net_rshares0
@steemulant ·
Hi johnpd,
Welcome to #steemph! Please find below your two footer banners made by @bearone for use in your future posts.

![SteemPH Slim Banner](https://cdn.steemitimages.com/DQmZoKwh635hTQjozjju6U21rK3yBwRtszAPjGRyr6C48wR/phbanner-slim-johnpd.png)
[https://cdn.steemitimages.com/DQmZoKwh635hTQjozjju6U21rK3yBwRtszAPjGRyr6C48wR/phbanner-slim-johnpd.png](https://cdn.steemitimages.com/DQmZoKwh635hTQjozjju6U21rK3yBwRtszAPjGRyr6C48wR/phbanner-slim-johnpd.png)

![SteemPH Compact Banner](https://cdn.steemitimages.com/DQmZhP19WE57263VFfxGfFY61PJ3CQdStpNMiz4LCw5r4zE/phbanner-compact-johnpd.png)
[https://cdn.steemitimages.com/DQmZhP19WE57263VFfxGfFY61PJ3CQdStpNMiz4LCw5r4zE/phbanner-compact-johnpd.png](https://cdn.steemitimages.com/DQmZhP19WE57263VFfxGfFY61PJ3CQdStpNMiz4LCw5r4zE/phbanner-compact-johnpd.png)

Brought to you by @quochuy (steem witness)

properties (22)
authorsteemulant
permlinkre-johnpd-netoy-20190501t073803177z
categoryphilippines
json_metadata{"tags":["philippines"],"app":"pocketjs"}
created2019-05-01 07:38:03
last_update2019-05-01 07:38:03
depth1
children0
last_payout2019-05-08 07:38:03
cashout_time1969-12-31 23:59:59
total_payout_value0.000 HBD
curator_payout_value0.000 HBD
pending_payout_value0.000 HBD
promoted0.000 HBD
body_length897
author_reputation1,166,068,266,703
root_titleNetoy
beneficiaries[]
max_accepted_payout1,000,000.000 HBD
percent_hbd10,000
post_id84,053,998
net_rshares0